Talambuhay

Ako si Daniel T. Buar Jr. labing anim na taong gulang mag lalabing pito sa dadating na agosto 21, 2002. Ang pangalan ng aking ina ay si Rosenda T Buar kasalukuyang nagtatrabaho sa makati bilang isang kasambahay at ang pangalan naman ng aking namayapang ama ay si Daniel C. Buar Sr. meron naman akong dalawang kapatid na babae na si Donabella T. Buar (pangalawa) na nakapagtapos na kursong Computer Science at si Danica T Buar (panganay) na nakapagtapos sa kursong Business Management.

Laking maynila ako nung ay di ko nakapiling ang aking ina dahil siya ay nagtrabaho sa ibang bansa pero di kalaunan ay umuwi rin noong nasa elementarya ako dalawa lang kinahihinatnan ko nasa Top o nasa Guidance Office sabi pa ng mga guro ko dati ay meron naman daw akong utak , ugali lang talaga ang aking problema dahil maingay at makulit ako sa klase pero kahit ganon ako ay nakapagtapos ng elementarya noong ako naman ay nakatungtong sa Highschool ay ganoon paren matigas ang ulo at makulit dumating pa nga sa punto na muntik na akong ilipat ng ibang school mabuti nalang ay ako’y sinuspende lamang ng dalawang linggo pero kahit ganon ako ay nakapagtapos paren at ngayon ako ay nag aaral sa Moreh Academy sa strand na HUMSS para makamit ang pinapangarap ko maging guro sa hinaharap.

Published by daniel buar

.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started